Kris Aquino, Hinihiling Na Sana Ay Dalawin Muna Siya Ni Angel Locsin Bago Pumunta Sa Houston Sa America
Kamakailan lamang ay ibinalita nga ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kaniyang social media account na tuloy na tuloy na talaga ang kaniyang paglipad at pag-alis muna pansamantala sa bansa para pumunta ng ibang bansa sa kaniyang treatment.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na si Kris ay tutungo nga sa Estados Unidos para sa kaniyang nakatakdang treatment dahil sa karamdaman na kinakaharap nito ngayon.
Ngunit, naudlot at hindi nga natuloy ang nakatakda sanang oras at araw ng kaniyang paglipad patungo sa Estados Unidos kasama ang kaniyang anak at ilang katuwang dahil pinayuhan si Kris ng kaniyang mga doktor na ilipat ang araw na ito dahil sa pagtaas ng kaniyang bl0od pressure noong araw na iyon.
Nag-iwan naman ng isang komento si Kris sa post ng Kapamilya actress na si Angel Locsin dahil hiniling pala ng aktres na huwag muna sanang matuloy ang pag-alis ni Kris bago ang araw na iyon.
Komento ni Kris,
"Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na "sana hindi ka pa makatuloy, Ate..."
Dagdag pa ng TV host-actress,
"I said, "Gel please don't be mean, you know kailangan na talaga" then you said: "sorry Ate, selfish ako, di pa ko ready mag let go."
Pagpapatuloy pa ni Kris,
"Nag asthma att4ck last night, more than 6 weeks of chronic sinusitis, na lang sobra sobra ang pagka bilib at pag love ko sayo. But please makakadalaw ka naman diba?"
Sa isa pang komento ni Kris, ibinahagi niya na naka-rebook na nga ang kaniyang flight ngayong May 5 at hiling niya na bago siya tuluyang umalis ng bansa at lumipad tungo sa Houston sa America ay makadalaw muna sana sa kaniya si Angel.
Saad ni Kris,
"Please naman Gel, naka rebook na for May 5- i badly need to go to Houston already."









Comments
Post a Comment